Inilunsad nitong Lunes ng GMA Network ang 2024 Christmas Station ID na, "Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat."

Ipinakita ang naturang Christmas Station ID ngayong taon pagkatapos ng GMA News "24 Oras," na nagpapamalas ng mensahe ng pasasalamat bilang sentro ng selebrasyon ng Pasko na – isang mahalagang paalala at pag-alala kung ano talaga ang Paskong Pinoy.

Bilang kaisa ng mga Pilipino, lubos na niyayakap ng GMA Network ang kultura ng pagpapasalamat habang sama-samang nagdiriwang ang mga pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay sa pagpapasalamat sa Diyos.

Habang papalapit ang ika-75th anniversary sa susunod na taon, nagmuni ang Kapuso Network sa paglalakbay at lubos na pasasalamat sa walang sawang suporta ng mga Filipino audience.

Layunin din ng GMA Network na ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong sa pamamagitan ng Christmas project ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) na "Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy." Hinihikayat ang mga nagdo-donate na patuloy na magbahagi ng kaligayahan at pag-asa ngayong kapaskuhan sa pamamagitan ng pagbibigay Noche Buena food packs sa mga bata at kanilang mga pamilya.

Nagtipon-tipon para sa GMA’s 2024 Christmas Station ID ang biggest stars and personalities, kasama ang Network’s executives, sa pangunguna nina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, at President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr., na nagpapakita ng malalim na ugnayan ng Kapuso family.

Ang “Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ay nagdadala ng saya at mainit na samahan ng pamilya na makikita sa Kapuso personalities.

Kasama sa Christmas Station ID ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Asia's Multimedia Star Alden Richards, Kapuso Comedy Genius Michael V., Kapuso Drama King Dennis Trillo, Ultimate Star Jennylyn Mercado, Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz, Box Office Queen Bea Alonzo, Primetime Goddess Carla Abellana, First Lady of Primetime Sanya Lopez, at Pambansang Ginoo David Licauco.

Kabahagi rin ang ilan sa mga most awarded broadcast journalist sa bansa na sina Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, Mel Tiangco, at iba pang personalidad mula sa GMA Integrated News at GMA Public Affairs.

Naki-celebrate din sina Global Endorser Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Michelle Dee, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Rabiya Mateo, Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Megan Young, Mikael Daez, Sofia Pablo, Allen Ansay, SB19’s Pablo at Stell, Billy Crawford, Rocco Nacino, Katrina Halili, Kim Atienza, at maraming iba pa.

Ang “Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ay inawit ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, kasama ang Kapuso singers na sina Aicelle Santos,  Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Thea Astley, John Rex, at Cloud 7.

Isinulat ito ni Christine Autor, Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, Ann Margaret Figueroa, Lorraine Intes, at Samantha Toloza, sa komposisyon at areglo nina Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, at Ann Margaret Figueroa.

Upang makapag-donate sa GMAKF's "Give A Gift: Alay sa Batang Pinoy" Christmas project, bisitahin ang www.gmanetwork.com/donate.

Para sa mga updates, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

--FRJ, GMA Integrated News