Papalaot din sa mundo ng pulitika sa Eleksyon 2025 sina Abby Viduya,  Marjorie Barretto, at  Anjo Yllana.

Si Anjo, naghain ng certificate of candidacy (COC) para maging vice mayoralty candidate sa Calamba City, Laguna, katambal ang dating alkalde na si Timmy Chipeco.

Ayon sa post ni GMA showbiz reporter Lhar Santiago, 2021 nang manirahan si Anjo sa lungsod kasama ang kaniyang pamilya.

Dati na ring bise alkalde si Anjo at konsehal sa lungsod ng Parañaque.

Samantala, sasabak naman sa kampanya si Abby Viduya para makuha ang suporta ng mga taga-1st district ng Parañaque sa pagtakbo niya bilang konsehal.

Nag-post si Abby ng larawan nang maghain siya ng COC kasama ang mister na si Jomari Yllana, na outgoing councilor sa nasabing distrito.

Makaraan naman ang 10 taon, magbabalik sa pulitika si Marjorie Barretto at muling tatakbo bilang konsehal sa first district ng Caloocan City.

"After a lot of thought, prayers and clear signs, I filed my COC for City Councilor yesterday under #TeamAksyonAtMalasakit," saad ng dating aktres sa Instagram post.

Dati na ring nagsilbing konsehal sa lungsod si Marjorie.

Muli naman hihirit ng panibagong termino si Angelu De Leon bilang konsehal sa District 2 ng Pasig City.

Kasama ang aktres sa tiket ni incumbent Mayor Vico Sotto na Giting ng Pasig.

Narito ang ilang celebrity at kilalang personalidad na sasabak sa Eleksyon 2025:

 

-- FRJ, GMA Integrated News