Nasa Pilipinas ngayon ang bagong global girl group na KATSEYE, na ang isang miyembro at tumatayong lider ng grupo ay Pinay-- na si Sophia Laforteza.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Martes, ipinakilala ang mga miyembro ng KATSEYE na sina Manon, Lara, Daniela, Megan, Yoonchae at si Sophia, na siyang lider ng grupo.

Nasa ilalim ng pamamahala ng HYBE at Geffen ang KATSEYE.

Si Sophia, excited na nakauwi ng Pilipinas, na anak ng  TV, movie at stage performer na si Carla Guevarra-Laforteza.

Sobrang proud si Carla sa kaniyang anak na gumagawa ngayon ng kasaysayan bilang ang unang Pilipina idol sa ilalim ng management ng HYBE.

"So much pride for my daughter because she is representing the Philippines. Every single day I cry," sabi ni Carla.

Dahil matagal nang hindi nakauwi si Sophia, humiling siya ng mga paborito niyang mga pagkain, kasama na ang sinigang.

"It's such an honor to be standing here, my hometown, in front of all of you, this is really a dream come true and I cannot wait for us to come back and forth to the Philippines," sabi ni Sophia.

Ipinadama rin ng pamilya ni Sophia ang Pinoy hospitality sa pamamagitan ng paghahanda ng home-cooked Filipino dishes sa grupo.

"I feel like being a leader of KATSEYE is such an honor. I love these girls so much, and so I feel like because of that, knowing that they trust me and I feel a mutual respect and care from them, it makes the job a lot easier and less stressful," sabi ni Sophia.

Pahayag naman ni Daniella tungkol kay Sophia, "Sophia is the best leader. She always takes care of us she makes sure we are doing okay and whenever we're upset or pressured with something we always go to her."

"You are mom of the group but you are also like cool. Like you're so non-judgmental always," ayon naman kay Lara.

Ang KATSEYE ay nabuo mula sa survival reality show na The Debut: Dream Academy.

Matapos mag-debut ng grupo nitong Hunyo, ni-release na rin nila ang kanilang EP na "SIS" o "Soft is Strong," na nirerepresenta ang kanilang sisterhood.

Kinagiliwan din ng marami ang latest single nila na "Touch," na ginawan pa ni Sophia ng Taglish version.

Magkakaroon ang KATSEYE ng showcase at susundan pa ng events gaya ng guesting sa noontime show na "It's Showtime." -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News