Proud na ibinalita ng singer-actress na si Geneva Cruz na bumalik na siya pag-aaral sa kolehiyo.
Sa Instagram, nag-post si Geneva ng ilang larawan sa kaniyang pagpasok sa Philippine Christian University sa Manila, suot ang kaniyang school ID.
Ayon kay Geneva, kumukuha siya ngayon ng kursong business administration. Ipinaalam din niya na nag-aral siya noon sa University of Santo Tomas para sa kursong AB Literature.
"But life had a different plan for me, and that’s to become a mother first," saad ni Geneva sa post. "I have no regrets because I have a beautiful son.
Ang pagkakaroon muli ng anak ang naging motibasyon ni Geneva na ipagpatuloy ang naudlot niyang pag-aaral at magkamit ng diploma.
"However, having a ten-year-old daughter was the motivation I needed to prioritize finishing a degree," saad ng singer-actress. “I strongly believe in setting a positive example for my children, which drives me to dedicate time to pursuing my educational goals. It took me a long time to finally return to school and strive to complete college.”
Pinasalamatan ni Geneva ang singer-actor na si Ronnie Liang, “for our memorable conversation backstage at the Luneta Grandstand and for reminding me of the powerful impact education has on those who choose to educate and elevate themselves.”
Kasama rin niyang pinasalamatan ang kaniyang dalawang anak, mga magulang, at mga kapatid, at inialay niya sa namayapa niyang ina ang pagbabalik-kolehiyo niya.
“Go after your goals—there's no such thing as being too late!,” payo niya sa kaniyang mga follower.
“Don’t even consider your degree a pass or a way to a great life. The point is not that a degree is meaningless but that it should have great value or uphold something of great importance to you. People hire or do business with you based on your skills, attitude, and work ethic rather than just your degree,” dagdag pa niya.— FRJ, GMA Integrated News