Sumakabilang-buhay na ang tinaguriang "Asia's Ambassador of Songs" na si Carmen Pateña nitong Miyerkules, Hulyo 1, 2024, sa edad na 84.

Sa ulat ni Jojo Gabinete sa PEP.ph nitong Huwebes, sinabing ang kapatid ni Carmen na si David Pateña ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook post.

“My sister Carmen Pateña has joined her creator last night. She is 84 years old. On her time she is Asia's Ambassador of Songs here and abroad as a performer," saad ni David sa post.

“Ate we will miss you. Every morning, we prayed and sang The Lords Prayer. We love you Ate Carmen... you are now in the arms of our Lord Jesus Christ with Nanay & Tatay," patuloy niya.

Iki-cremate umano ang mga labi ni Carmen at ibuburol sa J. Paredes Memorial Chapel sa Barangay San Vicente 1, Silang, Cavite, ayon pa sa ulat.

Namayagpag ang singing career ni Carmen noong dekada '60 at '70. -- FRJ, GMA Integrated News