Inihayag ng Metro Manila Film Festival 2024 ngayong Martes ang unang limang pelikula na pasok na sa taunang kapistahan ng mga pelikulang Pilipino ngayong taon.
Ang limang pelikula at napili batay pa lamang sa kani-kanilang script. Kabilang dito ang "Green Bones" ng GMA Pictures at Public Affairs, na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Sofia Pablo.
Ang apat pang pelikula ay ang "And the breadwinner is…" na direksyon ni Jun Robles Lana; "Strange Frequencies: Haunted Hospital" ni Kerwin Go; "Himala: Isang Musikal," ni Pepe Diokno; at "The Kingdom" by Michael Tuvera.
Ang "Green Bones" ay ididirek ni Zig Dulay, na siya ring nasa likod ng MMFF 2023 Best Picture na "Firefly," na pinagbidahan nina Euwenn Mikaell at Alessandra de Rossi.
Ang screenplay ay likha ng National Artist na si Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner na si Anj Atienza. Habang ang istorya ay mula kay , while JC Rubio, senior documentary manager ng GMA Public Affairs.
Ipinapalabas sa mga sinehan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF simula sa Disyembre 25.—FRJ, GMA Integrated News