Humingi ng paumanhin si Jennie ng Blackpink matapos mag-viral ang kaniyang video ng pagve-vape sa loob ng isang establisimyento habang may kasamang staff.
Sa X (dating Twitter), naglabas ng pahayag ang Odd Atelier, label ni Jennie, tungkol sa kontrobersiya.
"We sincerely apologize to everyone who felt uncomfortable with Jennie's actions in the content released on July 2," saad ng agency.
?????.
— OA (@oddatelier) July 9, 2024
OA?????????.
?? 2? ??? ??? ? ??? ??? ???? ??? ?? ?? ???? ??? ??? ????.
?? ?? ???? ??? ?, ?? ?? ?? ??????? ??? ?? ?? ?? ???? ??? ?? ??? ?? ?????? ?? ??? ??… pic.twitter.com/pAQnXOBg19
Personal na ring humingi ng paumanhin si Jennie sa staff na naapektuhan ng kaniyang pagve-vape.
“Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff. Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected,” pagpapatuloy nito.
Humingi rin ng paumanhin ang agency sa fans ng K-pop idol.
“We apologize to her fans who have been disappointed through this incident. We hope to prevent this from reoccurring in the future.”
Ayon sa ulat ng Soompi, naging kontrobersiyal sa social media noong Hulyo 8 ang isang video ng pag-vape ni Jennie.
Sa footage na bahagi ng vlog na in-upload sa YouTube channel ni Jennie noong Hulyo 2, makikita ang K-pop idol na nagve-vape sa loob ng kuwarto habang inaayusan ng make-up.
Makikita rin ang pagbuga niya umano ng usok sa staff. Burado na ang naturang eksena.
Ipinagbabawal ang paninigarilyo o pag-vape sa loob ng mga establisimyento sa South Korea.
Base sa ulat ng Korea Times, hinala ng isang netizen na kinunan ang vlog ni Jennie sa Capri, Italy.
Hiniling nilang pa-imbestigahan ng South Korean Embassy sa Italy at Ministry of Foreign Affairs ng South Korea ang Blackpink star.
Ayon sa ulat, hiniling ng netizen ang isang “investigation from the Italian authorities regarding Blackpink's Jennie's indoor smoking incident and take strict action."
Inilunsad ni Jennie ang sarili niyang label na Odd Atelier noong nakaraang Disyembre, na pagtutuunan ang kaniyang promotions bilang solo artist.
Kinumpirma ng YG Entertainment na ni-renew ng Blackpink members na sina Jennie, Rose, Jisoo at Lisa ang kanilang mga kontrata para sa kanilang group activities. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News