Muling gumawa ng kasaysayan ang P-pop Kings na SB19, nang sila ang maging kauna-unahang Pinoy act na natampok sa Japanese YouTube channel  na "The First Take."

Hamon ng channel sa mga artist na single take lamang sa kanilang performance.

Mapapanood ang flawless vocals nina Ken, Justin, Josh, Pablo, at Stell sa pagkanta ng kanilang hit single na ''Gento.''


Viral ang video, na may mahigit 700,000 views na ngayon.

Nag-debut noong 2018, ilan pa sa mga sikat na kanta ng SB19 ang "MAPA," "Bazinga," "What?" at "Go Up." —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News