Pumanaw na ang komedyanteng si Dinky Doo Jr., na kinumpirma sa Facebook post ng kaniyang anak nitong Martes.

“Family, Friends, Brethrens... This is his daughter speaking po. I'm here to inform po na wala na po si daddy," saad sa post ng anak ni Dinky.

Ayon pa sa post, pumanaw si Dinky dakong 7:20 AM ngayong Martes, July 2, 2024.

"Please, all your prayers to my father and family for him to rest peacefully would be very appreciated. Like daddy would say, Salamat po sa Dios sa lahat po ng nangyayari,” saad pa sa post.

Hindi binanggit ang sanhi ng  pagkamatay ng komedyante pero dati na siyang may karamdaman at sumasailalim sa dialysis.

Nag-alay naman ng pagpupugay si Jeremiah Clarion sa kaniyang namayapang ama sa pamamagitan ng post sa social media ng kanilang larawan na may kasamang mensahe.

“See you in 1000 years po Daddy Dinky Doo. Mananatili pong naka ukit sa aking puso at isipan ang lahat ng itinanim mo pong kabutihan at aral sa akin. Maraming Maraming Salamat po sa lahat Daddy. Mahal na mahal po kita,” ani Jeremiah.

Naging bahagi si Dinky ng nakaraang Kapuso series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.” — FRJ, GMA Integrated News