Mapapasabak rin sa maaksyong Kapuso Prime Series na Black Rider ang South Korean actor na si Kim Ji Soo.

Sa Facebook account ng GMA Public Affairs, ipinost ang larawan ng Korean actor at may caption na, "Kilalanin ang kanyang karakter sa primetime action-serye ng masa na #BlackRider!”

Sa teaser ng action series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, ipinakita na kasama ni Kim Ji Soo sa eksena ang mga karakter nina Calvin (Jon Lucas) at Vanessa ( Yassi Pressman).

Kabilang sa mga naging proyekto ni Kim Ji Soo ang "Strong Girl Bong-soon," "My First First Love," at "Bad Guys 2."— FRJ, GMA Integrated News