Inilahad ni Carla Abellana ang mahalagang natutunan niya tungkol sa nabigo niyang buhay may-asawa sa piling ng dating kabiyak na si Tom Rodriguez.

“Of course relationships are so important, marriage is important, it’s sacred pa nga po. Pero kapag hindi na po tama or too much already, hindi na po dapat ipilit pa,” sabi ni Carla sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

Pero paglilinaw ng aktres, “Hindi naman sa sinasabi ko ‘yung mga mag-asawa na hindi okay ay maghiwalay na. If you know there are things that are already too painful or hindi na maayos or ma-resolve, dapat hindi na siya pinipilit, because you might lose yourself, baka maging malala po. Kapag marami nang affected, hindi na po dapat.”

Ayon kay Carla, hindi niya rin naiwasang magtanong noon sa Diyos kung bakit ito nangyari sa kaniya.

“Actually noong umpisa pa lang po. Kumbaga everything was so shocking, so abrupt, so instant, na talagang I couldn’t comprehend, hindi ko po ma-figure out why, ang dami ko pong questions of why. Umpisa pa lang po nag-question na po ako ng ganoon,” saad niya.

“‘Yung question ko po is why. Why did this have to happen? Why now? Hindi po ako makapaniwalang nangyayari,” pagpapatuloy ni Carla.

Sa ngayon, sinabi ni Carla na hindi siya naghahanap ng bagong karelasyon.

“It was a difficult journey to get to this point, but yes, definitely, confident po na sabihin na I’m happy, very happy,” anang aktres na bibida sa upcoming series na "Widows' War" kasama si Bea Alonzo.

“At this point po, it’s one thing na hindi ko po masyadong iniisip, especially with the amount of work that we have at very little time that we have left for ourselves to rest, recover, for personal matters, hindi po siya priority," dagdag niya.

Susunod daw muna si Carla sa kung ano ang maging agos ng kaniyang buhay pagdating sa romantic relationship.

“Ayokong i-close po ‘yung sarili ko. I don’t want to be too bitter or too angry at the world. Ayoko din naman pong maging open. Ayokong hanapin or habulin. Whatever comes na lang po along the way, we’ll see kung where it will take me,” paliwanag niya.

Mensahe ni Carla sa kaniyang future partner: “Siguro ‘see you soon,’ naks! ‘I hope to meet you soon.’ Nagmadali, kakasabi ko lang na ‘di ko hinahanap eh. I guess, siguro, I can’t wait to see how our paths will cross.”

Pitong taong magkarelasyon sina Carla at Tom bago ikinasal noong Oktubre 2021.

Sa sumunod na taon, inanunsyo ni Tom na divorced na sila.-- FRJ, GMA Integrated News