Isinulong ng Liga ng mga Aktor sa Pilipina na Aktor PH na ideklarang National Artist ang Star for All Season na si Vilma Santos, ayon sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Sa ginanap na media conference ng Aktor PH nitong Biyernes, binasa ni Dingdong, isa sa mga opisyal ng Aktor PH , ang mensahe ni Charo Santos-Concio, na bahagi ng Advisory Board ng Aktor, sa pagnomina kay Ate Vi bilang National Artist.
“I fully support Aktor's nomination for the ‘Star for All Seasons’ Vilma Santos for National Artist. Her extraordinary depiction of remarkable characters in films, such as Anak, Dekada 70, Bata, Bata Paano Ka Ginawa, Everything About Her, and many others, have brought upliftment, learning and joy to viewers of all ages. She has been an inspiration to many Filipino artists, including me, and I hope her artistry will be appreciated by generations to come,” saad sa mensahe ni Charo.
Pahayag naman ni Dingdong, “And on that note, we wholeheartedly endorse the nomination of Rosa Vilma Santos-Recto to the Order of National Artists for Film and Broadcast.”
Inilahad ni Dingdong, hinirang na Box Office Hero ng 7th EDDYs Award para sa pelikulang "Rewind," ang ilan sa mga nagawa ni Vilma sa Philippine cinema sa nagdaang 60 taon para maging karapat-dapat siyang mapabilang sa mga pambansang alagad ng sining ng bansa.
“Renowned for her breathing life into roles described as women of substance, she has garnered numerous awards from prestigious bodies, whether here, local or international, solidifying her status as the most awarded actress in Philippine cinema history,” pagpapatuloy ni Dingdong sa pagbasa sa mga nagawa ni Vilma.
“Beyond the accolades, sa likod at sa kabila po ng mga iyon, Vilma Santos continues to leave an indelible mark on our cultural landscape, portraying iconic roles that deeply resonate with the Filipino psyche,” saad pa ng aktor.
Ilan sa mga hindi mabilang na pelikula ni Vilma ang Trudis Liit kung saan nakuha niya ang kaniyang unang acting award bilang Best Child Actress noong 1963 FAMAS Awards; Darna (1973) at Dyesebel (1973).
“Vilma Santos is celebrated for her chameleon-like ability to portray diverse characters with truth and excellence,” pagpapatuloy ni Dingdong.
Marami ring pelikula na tumatalakay sa usapin ng lipunan at pamilya ang nagawang pelikula ni Ate Vi gaya ng Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), at Anak (2000) at When I Met You In Tokyo (2023).
Bukod dito, sumabak din si Ate Vi sa public service, bilang Mayor ng Lipa, Gobernador ng Batangas at miyembro ng House of Representatives sa ika-6 congressional district ng Batangas.
Kabilang sa mga hinirang nang National Artists for Cinema ang mga direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Marilou Diaz Abaya, at mga aktor na sina Manuel Conde, Fernando Poe Jr., at Nora Aunor.
Nitong nakaraang Pebrero binuksan ng National Commission for Culture and the Arts at Cultural Center of the Philippines ang nominasyon para sa mga idedeklarang national artist ngayon taon, at magtatapos ito sa katapusan ng Hunyo-
Nitong nakaraang Mayo, itinampok para sa "Mother's Day Special" ng My Mother, My Story ni Boy Abunda, si Vilma, kasama ang mga anak na sina Luis at Ryan Christian.
- FRJ, GMA Integrated News