Inilahad ni Rafael Rosell na na-intimidate siya sa magaling na acting ni Bea Alonzo, na kaniyang co-star sa upcoming murder mystery drama series na "Widows' War."
"She's very, very professional, and ang lalim ng acting niya. I really had to dig deep talaga para lang ma-match 'yung intensity ng mata ni Bea," sabi ni Rafael sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.
"It was quite the challenge. Siguro magsisinungaling ako kapag sinabi ko na hindi ako na-intimidate at first. Pero eventually we adjusted to each other's energy. And I think what we created sa Widows' Wars, something of a good chemistry," pagpapatuloy ni Rafael.
Nauna nang inilahad ni Bea na asawa ng mga karakter nila ni Carla Abellana ang mga karakter nina Benjamin Alves at Rafael Rosell.
“Tungkol ito sa isang prominenteng pamilya na may mining business. At kaming dalawa ni Carla Abellana used to be best friends. Papasok kami sa pamilyang ito dahil mapapang-asawa namin ‘yung magpinsan, played by Benjamin Alves and Rafael Rosell,” sabi ni Bea sa isang panayam.
Ayon kay Bea, ang Widows’ War ang third installment ng mga naunang Kapuso murder-mystery drama series na “Widows’ Web” at “Royal Blood.”
“Definitely may crossover. I'm very excited about it,” sabi ni Bea sa panayam sa kaniya sa GMA show na "Unang Hirit."
Mapapanood ang "Widows' War"sa GMA Prime simula sa Hulyo 1. -- FRJ, GMA Integrated News