Inamin ni Michelle Vito na may pagkakataong pinagbawalan niya noon ang kaniyang nobyong si Enzo Pineda na magpa-sexy sa mga nakukuhang proyekto.

"Siguro sa akin Tito Boy nakita ko naman na nagawa na niya 'yon, ng lahat ng mga gusto niyang gawin. Natatakot lang kasi ako na ma-typecast siya, na roon lagi ang mga offer," saad ni Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes.

"Kasi naririnig ko nagawa na niya ito tapos biglang may offer ulit sa kaniya. Sabi ko 'Baka nata-typecast ka na. So, no more,'" pagpapatuloy niya.

Pag-amin naman ni Enzo, may mga pagkakataong daring ang kaniyang pagpapa-sexy at mayroon pang love scenes.

"'Yung sexy na 'yon was a bit daring than what we define as sexy. But probably because Tito Boy I was very explorative that time as an actor," paliwanag ni Enzo.

Ayon pa kay Enzo, may mga kasama pang nudity ang kaniyang pagpapa-sexy.

"As an actor, you won't consider yourself as an actor if hindi ka open sa mga ganu'ng klaseng roles or projects. At least you need to experience, for me, at least once. Because that's what acting is all about, it's all about exploring life," sabi ng aktor.

Ilan sa sexy projects na ginawa ni Enzo ang Cinemalaya 2019 film na "Malamaya," kung saan kasama niya si Sunshine Cruz.

Taong 2020 nang kumpirmahin ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle.--FRJ, GMA Integrated News