Naghain si Ogie Diaz ng counter affidavit sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kaniya ni Bea Alonzo.

Sa isang press statement, inilahad ng abogado ni Ogie na si Regie Tongol na naghain naman ng counter-charge si Ogie ng perjury na may damages against Alonzo sa Regional Trial Court sa Quezon City nitong Martes.

“In our seventy-page (70) Counter-Affidavit, we called out the Complainant by not clearly stating in her sixteen-page (16) Complaint-Affidavit the specific individuals who uttered the specific defamatory statements making it appear it was all Mr. Diaz who made them,” saad ni Tongol.

“They even failed to show clear and convincing proof of ‘actual malice’ whether in the form of ‘reckless disregard for the truth’ or ill-motive which is a legal requirement and standard if the Complainant is a public figure,” dagdag pa ni Tongol.

Matatandaang nitong Mayo, sinampahan ni Bea ng tatlong magkakahiwalay na reklamong cyber libel sa Quezon City Prosecutors Office sina Ogie at Cristy Fermin. Kasama sa reklamo ang kani-kanilang co-hosts sa kani-kanilang online program.

Tumugon si Ogie tungkol sa reklamo ni Bea, at sinabing haharapin niya ito sa tamang panahon.

“Tulad ng lagi naming hinihirit sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update,’ sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” sabi ni Ogie, na tinutukoy si Bea at ang dati nitong fiancé na si Dominic Roque. —Jamil Santos/GMA Integrated News