Napansin ng netizens nang pusuan ni Kobe Paras ang ilang pictures ni Kyline Alcantara sa Instagram. May namumuo na nga kayang pag-ibig sa dalawa?

Sa Instagram ni Kyline, na iniulat din sa Balitanghali nitong Biyernes, makikita ang heart eyes emoji na komento ni Kobe sa isa sa mga larawan ni Kyline.

Bukod dito, nag-Instagram story din si Kobe ng larawan ni Kyline.

Gayunman, wala pang kompirmasyon sa dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

 

 

Si Kobe na anak kina Benjie Paras at Jackie Forster, ay naugnay dati kay Erika Poturnak, na anak ni Ina Raymundo.

Naugnay naman noon si Kyline sa dati niyang ka-love team na si Mavy Legaspi, na anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News