Inihayag nina Meryll Soriano at Joem Bascon na napag-uusapan na nila ang kasal. Sunod na kaya ang kanilang baby number 2?

Sa episode na "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, sinabi ni Joem na kailangan muna niyang magpaalam sa ilan tao nang tanungin tungkol sa plano nila Meryll na magpakasal.

“Medyo old school pa rin ako, hindi naman pupuwedeng diretsahan sa kaniya. Kailangan kong tanungin din sa parents niya, ‘yung parents ko sasabihan ko. Kailangan kong magbigay-pugay with everyone to get her beautiful hand,” pagpapatuloy ni Joem.

Bilang mga magulang, inilarawan naman ni Meryll na “very challenged” sila ni Joem sa kanilang baby na si Gido.

“The difference lang for me is that I have a partner. Kasi it’s so different from being a single parent that you get to decide everything on your own all by yourself,” ani Meryll. “Now it’s a 50-50 thing.”

Sa kabila nito, “very happy” si Meryll bilang magulang.

“Kasi ako first time ko talaga lahat, so I’m just observing everything,” sabi naman ni Joem.

Tinanong sina Meryll at Joem kung susundan nila ang kanilang baby.

“We want to, pero not advised na by the doctor. I’m 41, ang sabi ng OB namin, if we wanted, magkasunod. As in the year after, parang hindi pa nagwa-one year old si Gido dapat masundan na,” sabi niya.

Gayunman, may kahirapan na ito, ayon kay Meryll.

“We want to really savor it and enjoy it. It’s so hard to prioritize getting pregnant again when we’re just enjoying a blessing,” pagpapatuloy ni Meryll.

Pagsegundo naman ni Joem, may takot din sila noong mga panahon na iyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Unang naghiwalay sina Joem at Meryll noong 2009. Nagkabalikan sila noong 2020.

Inanunsyo naman ni Meryll na mayroon na siyang baby kay Joem noong 2021.--FRJ, GMA Integrated News