Inilahad ni Chris Tiu na sang-ayon din siya sa pagpapakasal muna ng magkasintahan bago ang pagsisiping.
“I am also very Catholic and I get my guidance from my parents as well,” saad ni Chris sa “Fast Talk with Boy Abunda” nang tanungin ang kaniyang pananaw tungkol sa pag-iwas sa pakikipagtalik bago ang kasal.
“Same thing with my wife. We believe that you should save your most intimate self for your partner, the one that you have chosen to spend the rest of your life with, with the union blessed by God,” pagpapatuloy ng "iBilib" host.
Natanong si Chris hinggil sa isyu dahil ito rin ang pananaw ng kaniyang bagong co-host na si Shaira Diaz, na pinaiiral, kasama ang nobyong si EA Guzman, ang “celibacy” o pag-iwas sa pagsisiping dahil hindi pa sila kasal.
“Ako gusto ko talaga dahil naniniwala ako at ino-honor ko talaga po ‘yung mga binigay kong salita sa magulang ko, ‘yung mga binigay nila sa aking advice,” sabi ni Shaira.
“And siyempre sa Bible rin po. ‘Yun naman talaga, na dapat walang ganito before marriage,” dagdag niya.
Nilinaw din niya, na iginagalang niya ang pananaw at paniniwala ng iba tungkol sa relasyon.
“Wala talaga akong against sa mga hindi gumagawa noon. Siguro sa akin talaga choice ko talaga na gusto ko na i-save ‘yon sa pagkakasal namin,” anang Unang Hirit host.
Samantala pagdating naman sa pera, ikinuwento ni Chris na may planning session sila ng asawang si Clarisse Ong tuwing simula ng taon para mapag-usapan ang kanilang mga gastusin.
“Madalas doon nagsisimula ‘yung mga away ng mag-asawa, so pinag-uusapan na namin and nag-a-align na kami start ng year pa lang,” sabi niya.
Ikinasal sina Chris at Clarisse noong 2013 sa Vancouver, Canada.
May dalawa silang anak na sina Amanda at Mari.-- FRJ, GMA Integrated News