Kinaaliwan at relate ang netizens sa Mother’s Day tribute video ni Isabelle Daza para kay Gloria Diaz dahil makikitang iba ang pagtrato nito sa mga apo kumpara sa pagdisiplina nito sa kaniya bilang isang ina.

Sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Martes, ibinahagi ni Belle ang ginagawang pagdidisiplina ng Miss Universe 1969 sa kaniyang mga anak.

Makikitang sweet pa rin si Gloria sa mga apo kahit hindi ito nakikinig sa kaniya.

Ngunit pagdating kay Belle, tila naka-“monster mode” si Gloria.

Nagbahagi si Belle ng video ni Gloria na uma-acting bilang isang manananggal.

Naka-relate ang netizens, lalo’t tila nawala ang pagka-Miss Universe ni Gloria, ayon sa komento ng isang netizen.

May dalawang milyong views na ang kuwelang video ni Belle.

 

 

—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News