Pumanaw na sa edad na 68 ang lumikha ng Dragon Ball character na si Akira Toriyama.
Sa pahayag na ipinost sa X ng kaniyang agency na Bird Studio, sinabing acute subdural hematoma ang dahilan ng pagkamatay ni Akira.
“It’s our deep regret that he still had several works in the middle of creation with great enthusiasm. Also, he would have many more things to achieve," saad sa pahayag.
"However, he has left many manga titles and works of art to this world. Thanks to the support of so many people around the world, he has been able to continue his creative activities for over 45 years. We hope that Akira Toriyama’s unique world of creation continues to be loved by everyone for a long time to come," dagdag nito.
Ayon sa Bird Studio, bukas lamang para sa pamilya at mga malalapit na kamag-anak ang burol ni Akira.
Nakiusap din sila sa fans na huwag nang magpadala ng bulaklak at anumang handog.
Sinimulan ni Akira ang kaniyang career bilang "mangaka" sa "Wonder Island" noong 1978. Ginawa rin niya ang "Dr. Slump" at iba pang manga titles. Naging character designer din siya para sa video game franchise na "Dragon Quest."
Ang pinakatumatak sa kaniyang mga nilikha ay ang "Dragon Ball," na popular pa rin hanggang ngayon. —FRJ, GMA Integrated News