Sinabi ni Liezel Lopez na dapat manggaling sa sarili ang motibasyon ng pagiging sexy, at hindi dahil sa mga sinasabi ng ibang tao.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, naging panauhin sina Liezel at Lianne Valentin, na bahagi ng magaganda, confident at empowered na mga kababaihan na “Sparkle 10.”
Ayon kay Liezel, naniniwala siya na “your body is your instrument.”
“I think more on the mental talaga. Kailangang maging confident ka sa sarili mo, kailangan tatanggapin mo muna ang imperfections mo and then find your strength sa katawan mo,” sabi ng bida sa Kapuso primetime series na "Asawa ng Asawa Ko."
Para naman kay Lianne, hindi simple ang pag-achieve ng kaseksihan.
“Everything. Effort talaga and time. And of course, kailangan mo rin i-prepare mentally ‘yung body mo kasi it’s really hard to workout everyday, mag-diet ka, mag-fasting ka,” sabi niya.
Bukod dito, mahalaga ring maging malinaw tungkol sa goals sa buhay.
“Kunwari mahilig kang mag-gym, mahilig kang mag-diet or mag-plan ng diet. Talagang kailangan alam mo rin talaga ‘yung goal mo. Hindi ‘yung babaguhin mo ‘yung sarili mo because of what you hear sa ibang tao,” sabi pa ni Liezel.
“Sa sarili mo dapat nanggagaling ‘yung motivation,” saad niya.
Sa nakaraang interview, sinabi ni Sparkle Consulting Head for Talent Imaging and Marketing Lawrence Tan na "Sparkle 10 is a showcase of beauty, brains and talents in all forms" and "versatility in whatever roles they tackle."
Sinabi rin niyang ang Sparkle 10 "embody the traits of a modern Filipina woman" na "here to shift the status quo."
Kasalukuyang napapanood si Liezel sa Liezel sa GMA Primetime series na "Asawa ng Asawa Ko" at sitcom "Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis." -- FRJ, GMA Integrated News