May personal ka bang karanasan o alam na nakakakilabot na kuwento ng kababaghan na sa tingin mo ay papasa at puwedeng isama sa upcoming "KMJS: Gabi ng Lagim: The Movie"?
Nakatakdang gawin ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang naturang pelikula, at tatlong kuwento ang puwedeng isama at mananalo ng tig-P20,000.00 kapag napili.
Kung may larawan o video na nakunan ng nakakakilabot na pangyayari, maaari itong ipadala sa www.gmanetwork.com/kmjsGabiNgLagimTheMovie.
Tatlong kuwento ang pipiliin ng mga opisyal mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs para maisama sa pelikula.
Ang pagpili batay sa sumusunod:
TOTOO BANG NAKAKATAKOT? 50%
Totoong kuwento, supernatural man o kuwentong bayan, na talaga namang nakakakilabot. Handang magpa-interview ang mga tauhan sa kuwento para patunayan ang makapanindig-balahibo nilang karanasan.
PAMPELIKULA BA? 30%
May nabubuong tensiyon at kaba. May potensiyal ang mga pangyayari na maikuwento sa pamamagitan ng dramatization. Mayroon ba itong akwal na video at larawan?
KAKAIBA BA? 20%
Unique at hindi pangkaraniwan ang kuwento ng katatakutan.
Ang deadline sa pagsusumite ng entries ay sa February 29, pagsapit ng 11:59 p.m.
Ang gagawing pelikula at pa-contest ay bahagi ng selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo ng multi-awarded docuseries.
Ang Gabi ng Lagim ay Halloween special ng KMJS na ginagawa taon-taon.—FRJ, GMA Integrated News