Certified box office hit ang "Rewind" matapos makapagtala ng box office record bilang kauna-unahang Filipino movie na umabot na sa mahigit P900 milyon ang kinita worldwide.

Ayon sa Star Cinema, nasa P902 na ang kabuuang kinita ng pelikulang pinagtambalan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nauna nang idineklara na Philippines’ highest grossing film of all time ang "Rewind," at nalampasan nito ang domestic sales na nagawa ng “Hello, Love, Goodbye,” na kumita ng P691 milyon.

 

 

Ipinalabas ang pelikula sa mahigit 270 sinehan sa Pilipinas, United Arab Emirates, United States, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Guam, at Saipan.

Kasama ang "Rewind" sa Manila International Film Festival na idinaraos sa Hollywood, California.

Ang "Rewind" ang balik-tambalan sa pelikula nina Marian at Dingdong mula nang gawin nila ang "You to Me Are Everything" noong 2010. —FRJ, GMA Integrated News