Ibinahagi ni Kris Aquino sa kaniyang Instagram followers na nasa initial stage siya ng lupus.
Ipinaalam ito ni Kris sa kaniyang mga video post habang patuloy na ginagamot sa US ang kaniyang multiple autoimmune diseases.
"I am already exhibiting many symptoms for another autoimmune connective tissue disease - it's highly likely based on my ANA count, my high inflammatory numbers, my anemia, my now constant elevated blood pressure at night and consistent appearance of the butterfly rash on my face that I'm on the initial stage of lupus," saad ni Kris sa video.
Sabi ni Kris, nakaramdam siya ng panghihina mula pa noong Thanksgiving. Bukod sa nawalan ng ganang kumain, madalas ding sumakit ang kaniyang ulo.
Nakararanas din siya ng pagkahilo, at "weird" ang fluctuation ng kaniyang blood pressure.
Inihayag din niya na bumaba ang kaniyang timbang sa 92 pounds kaya sinabihan siya ng kaniyang duktor na "to put serious effort into eating real food" para madagdagan siya ng timbang ng kahit eight pounds.
"It's an uphill climb since the New Year, I've only gained 3 pounds," ani Kris.
Inihayag din niya na umiyak siya nang malaman ang resulta ng mga bagong medical test.
Gayunman, "I promised my sons and my sisters I won't be a wimp."
"Bawal sumuko, tuloy pa rin ang laban," deklara niya.
Ayon sa Mayo Clinic, nagkakaroon ng lupus ang tao "when your body's immune system attacks your own tissues and organs (autoimmune disease)."
Hindi rin umano ito madaling diagnose o matuklasan dahil ang mga sintomas nito ay katulad din ng ibang karamdaman.— FRJ, GMA Integrated News