Inihayag ng Sparkle actor na si Matthew Uy na matagal na niyang crush ang "Abot-Kamay Na Pangarap" star na si Jillian Ward bago pa man siya pumasok sa showbiz.

“Sino si Jillian Ward sa buhay mo?” tanong ni Tito Boy kay Matthew sa isang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda."

“Si Jillian Ward po matagal ko na po siyang crush before pa po ako mag-showbiz,” nahihiyang pag-amin ng newbie actor.

Sinabi ni Matthew na nagkita na sila ni Jillian sa GMA Gala at hindi siya nakapagsalita nang makita ang kaniyang crush.

“Na-starstruck po ako di po ako. Hindi po makapagsalita sa harap niya," natatawa niyang kuwento.

"Ano po parang nag-frozen po ako. Sabi ko lang po, 'Hi,'” dagdag niya.

Sabi ni Tito Boy, aabangan na sabay silang mag-guest ni Jillian sa kaniyang programa.

Napapanood ngayon si Matthew sa Sparkle U series na Sparkle U: Soundtrip kasama sina Althea Ablan, Zephanie, at Michael Sager. --FRJ, GMA Integrated News