Trending at pinag-usapan ng netizens ang pilot episode ng Kapuso Prime series na "Asawa ng Asawa Ko" nitong Lunes.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, ipinasilip ang matinding eksena ng mga bidang sina Jasmine Curtis-Smith, na gumaganap bilang si Cristy, at si Rayver Cruz bilang si Jordan.

Matapos ikasal sina Cristy at Jordan, nagtungo ang dalawa  sa isang beach resort para sa kanilang honeymoon pero isang armadong grupo ang umatake at dinukot si Cristy.

Bukod sa mga eksena at istorya, hinangaan ng netizens ang magaling na pagganap ni Rayver.

Kasama rin sa serye sina Liezel Lopez bilang si Shaira, ang best friend ni Jordan na magiging kaagaw ni Cristy, si Gina Alajar bilang si Carmela, na ina ni Cristy, at iba pa.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News