Mabuti na ang lagay at nakalabas na ng ospital ang "Black Rider" star na si Ruru Madrid.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing naospital si Ruru matapos magkaroon ng lagnat at sore throat.

Hindi naman siya pinabayaan at all out na inasikaso ng kaniyang nobyang si Bianca Umali,
 
Nagpaabot naman ng get well messages para kay Ruru and mga kapuwa niya Kapuso artists.

At kahit maysakit, full support pa rin si Ruru sa kaniyang mga kasamahan sa "Running Man Philippines" na nasa South Korea ngayon para winter season o season 2 ng show. -- FRJ, GMA Integrated News