"Tommy," my friend is back! Matapos umalis patungong Canada nang ipetisyon ng kaniyang kapatid, bumalik muli sa Pilipinas ang "infamous" character ni Ronnie Henares sa “Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento.”

Sa episode ng nasabing sitcom nitong weekend, nagpaalam na si Tommy sa kaniyang "love of my life" na si Mara (Maureen Larrazabal), dahil maninirahan na siya sa Canada matapos ipetisyon ng kaniyang kapatid.

READ: Karakter ni Ronnie Henares na si 'Tommy,' magpapaalam na sa ‘Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento’?

Wala namang nagawa si Mara kung hindi ang malungkot. Pero nangako si Tommy na muling silang magkakasama dahil ipipetisyon niya rin ito after three years.

Ngunit ilang linggo pa lang ang nakalipas, tumawag si Tommy para ipaalam kay Mara na may sakit siya kaya hindi siya nakakatawag.

Sa awa ni Mara, nagpaalam si Mara kay Pepito na magre-resign na sa trabaho para sumunod kay Tommy sa Canada upang maalagaan ito.

Pero nang nagpapaalam na si Mara sa kaniyang mga kaopisina, bigla namang umuwi si Tommy.

Ang kaniyang dahilan, "Napahirap ng buhay sa Canada, saka napakalungkot, ang lamig-lamig doon."

Pero ang pinakamatindi niyang dahilan habang naka-smile, "Wala akong mautangan doon. Kaya dito na lang ako."  -- FRJ, GMA Integrated News