Si Moira Dela Torre ang nag-iisang Filipino artist na nominado sa MTV Europe Music Awards (EMAs), para sa Best Asia category.

Ang iba pang nominatong artist mula sa ibang bansa sa Asya ay ang K-Pop group na TREASURE; Thai actor at singer na si Bright; Japanese boyband na Be:First; at Indonesian singer and actress na si Tiara Andini.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MTV Asia (@mtvasia)

 

Samantala, pinakamaraming nominasyon naman si Taylor Swift sa MTV EMAs na umabot sa pito.  Kinabibilangan ito ng Best Artist, Best Song, at Best Video both for “Anti-Hero.”

Nagsimula na ang botohan sa MTV EMAs website na tatagal hanggang October 31. Gaganapin naman ang MTV EMAs sa November 5. 

Matatandaan na itinampok si Moira sa awitin ni Jamie Miller na “Maybe Next Time” na inilabas noong Hulyo.

Naglabas din kamakailan si Moira ng kaniyang single na “Hilom,” na mula sa soundtrack ng “Unbreak My Heart.”

Ilan pa sa kaniyang patok na awitin ang “Paubaya,” “ikaw at sila,” at “Tagpuan.”— FRJ, GMA Integrated News