Inihayag ni Zephanie noon na best friend niya si Michael Sager, at isa ito sa mga taong espesyal sa kaniyang buhay. Ano nga ba ang tunay na relasyon ng dalawa?

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, guest sina Zephanie at Michael, kasama sina Shayne Sava at Abdul Rahman, na kasama sa cast ng "Sparkle University.”

BASAHIN: Zephanie, sinagot ang tanong kung sino si Michael Sager sa buhay niya

Isinalang ni Tito Boy ang apat sa “Talk or Dare” segment kung saan papipiliin sila kung sasagutin ang tanong o gagawin ang challenge.

Si Abdul, tinanong ni Tito Boy kung sino sa kaniyang mga batchmate sa "Starstruck" ang nagustuhan niya pero hindi si Shayne.

Kung hindi papangalanan ni Abdul ang ka-batchmate na nagustuhan niya sa "Starstruck", kailangan niyang mag-squat habang buhat si Shayne.

Samantala, direkta namang tinanong ni Tito Boy si Michael kung sila na ba ni Zephanie?

Kung hindi siya aamin, kailangan naman ng aktor na magpush-ups habang nakaupo sa likod niya niya si Zephanie.

Umamin kaya ang dalawang aktor? Panoorin ang nakakakikilig na episode ng "Fast Talk with Boy Abunda."--FRJ, GMA Integrated News