May pagkakataon ang Pinoy fans na makita nang personal ang kanilang idol na Japanese actor na si Mackenyu dahil bibisita siya sa Pilipinas.

Magiging bahagi ng ManiPopCon 2023 si Mackenyu na gumanap na si Zoro sa Netflix's live action adaptation ng "One Piece."

Gaganapin ang convention sa November 17 hanggang 19 sa Ayala Malls Manila Bay.

Kasama ni Mackenyu sa "One Piece" sina Iñaki Godoy, Emily Eurdd, Taz Skylar, at Jacob Gibson, na halaw sa manga ni Eiichiro Oda.

Nakatakdang gawin ng Netflix ang ikalawang season ng "One Piece."

Bukod sa "One Piece," bumida rin si Mackenyu sa "Pacific Rim: Uprising" (2018), at "Over Drive" (2018). Napanood din siya sa "Rurouni Kenshin: Final Chapter" (2021) at "Fullmetal Alchemist: The Revenge Of Scar" (2022) at "Fullmetal Alchemist: Final Transmutation" (2022).

—FRJ, GMA Integrated News