Ilang netizens ang naghinala na buntis muli ang Chika Minute host na si Iya Villania matapos siyang mag-post ng dance number sa trending song sa Tiktok na “If It’s Lovin’ That You Want.”

Sa video, mapapanood si Iya na nakasuot ng puting sleeveless top na may ruffles mula sa kaniyang kanang balikat hanggang sa kaniyang tiyan.

 

@iyavillania29 Tiktokkin’ after live news with our floor director ???????? What’s for next week @amsupermcfordan ? original sound - Iya Villania-Arellano

 

Nagbigay ito ng ilusyon na mayroon siyang tummy bump dahil na rin sa pleats.

READ: Iya Villania, Drew Arellano tease netizens about having baby No. 5

“Another blessing na naman sana all,” pagbati ng isang netizen.


“Congrats po mukhang wala po byahe si Drew,” sabi naman ng isa pa.

May mga nagtanong din kung buntis nga ba si Iya.

Sa kaniyang reaction video, itinanggi ni Iya ang hinala ng netizens, habang ipinakikita ang comments.

“For the record, no, I am not,” natatawang sabi ni Iya. “So, thank you for these comments guys."

 

@iyavillania29 Grabe kayo… ???? FYI, I am not ???? #ThanksAh ? original sound - Iya Villania-Arellano

 

Matatandaan na nagbiro kamakailan sina Iya at Drew tungkol sa pagkakaroon nila ng baby number 5.

Ikinasal sina Iya at Drew noong 2014. Mayroon silang apat na anak, na sina Primo, Leon, Alana, at Astro. -- FRJ, GMA Integrated News