Nagkuwento si KC Concepcion tungkol sa kaniyang love life, at sinabing mayroon siya ngayong special someone na kamakailan niya lang nakilala.

"Bago lang kami nag-meet so it's really nice to get to know someone, to have someone you know [who will] be there in my every day and to really have someone also to share my happiness with," sabi ni KC sa "Updated with Nelson Canlas” podcast.

"Wala pang pinag-uusapang next step bago pa lang talaga, so wala akong makukuwento," dagdag niya.

Ngunit ayon kay KC, hindi niya mailalarawan na “cinematic” o “exciting” ang kanilang kuwento na gaya ng sa kaniyang mga magulang.

"Sabi ko ito pala 'yong feeling na parang ninu-nurture mo lang 'yung friendship or 'yung meron kayo and then 'yong walang ibang distraction and you know you would want the person to get to know you for you. Not really for the artista you," sabi niya.

"So I'm very careful not to put everything out there too much."

Ipinagdiwang ni KC ang kaniyang ika-38 kaarawan nitong Abril.

Anak siya nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, na magkakaroon ng reunion concert na “Dear Heart” sa Oktubre 27. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News