Dahil na rin sa linya ng kanilang trabaho, hindi raw maiiwasan ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na gumamit ng social media kahit batid nila na magkakaiba ang pananaw ng netizens sa mga isyu.
Sa nakaraang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, inilahad ni Billy na nalulungkot siya na may ilang netizen ang mahilig mam-bash para lang makapanakit ng damdamin ng ibang tao.
"It’s hard because a lot of people will deliberately attack other people just to see people in pain, just to see others suffer,” sabi ni Billy tungkol sa mga komento sa post.
Kaya naman ang asawa niyang si Coleen, natuto nang panatilihin ang balanse sa kaniyang mga post.
“It’s tricky Tito Boy because to be very honest, a lot of my work comes from social media, so I have to be active, I have to keep up whatever I’m doing,” sabi ni Coleen.
“Honestly I don’t get to post nowadays because of that pressure like, I don’t know, I feel it also. I think everybody does feel it. Like, is what you’re gonna post going to be dissected? Kasi minsan ‘di ba, you post something harmless and then ‘pag tingin mo sa comments, people have so many things to say,” pagpapatuloy pa ng aktres.
Kaya ayon kay Coleen, bagama’t isang “open book” ang buhay nila ni Billy, ginagawa nilang pribado ang kanilang araw-araw na buhay.
“But it’s tough kasi it’s part of our work eh,” sabi ni Coleen.
Naobserbahan ni Billy na iba-iba ang pagtanggap ng mga tao sa mga post ng mga celebrity.
“Everyone translates everything differently. Magkakaiba ang tao. Kahit paano iba ang ‘Gu,’ ang tawag nila in French, iba ang taste. Everyone has their own tastes and everyone, iba-iba rin ‘yung patience nila for sensitivity, for certain topics,” anang The Voice Generations coach.
“Kasi ang daming puwedeng pag-usapan pero ang dami ring puwedeng ma-offend, pero ang dami ring puwedeng matuwa. So it’s still a balance,” dagdag ni Billy.
Inihayag nina Billy at Coleen nagbabasa sila ng mga komento mula sa netizens.
“I guess we are not emotionally attached,” saad ni Billy.
“Not as much as before,” ayon naman kay Coleen.
Si Coleen, natutong tumanggap ng mga seryosong puna ng ibang tao para sa kaniyang ikabubuti, at huwag pansinin ang mga direktang namba-bash lang.
“Also try to look at it in a more positive light. I have learned so much also, sometimes from people who mean well and who tell us ‘parang mali itong ginagawa mo.’ I have learned a lot that way also and I have grown, and I have learned to be more considerate also for different types of people around me rin,” sabi niya.
“So it helps also to hear them out sometimes when they are not just straight up bashers, they are not haters. Sometimes they mean well, you need to be open also to corrections,” ayon pa kay Coleen. --FRJ, GMA Integrated News