Inamin ng actor at director na si Ricky Davao na gaya ng dating asawa na si Jackie Lou Blanco ay mayroon din siyang regrets sa hiwalayan nila noon.

Sa Kristian Eric Javier ng GMANetwork, sinabi rin ng aktor na kahit may panghihinayang sila ay kailangan din nilang mag-move on.

“Ganun naman talaga e. May pagkakamali, may hindi pagkakasunduan and nung nangyari 'yun, of course, may epekto sa mga bata, pero naka-move on na naman na kami, ok naman lahat,” sabi Ricky sa interview niya sa online showbiz show na Marites University.

Ayon pa sa Love Before Sunrise actor, may regrets din siya sa nangyaring hiwalayan nila ni Jackie Lou dahil hindi naman nila ito pinlano.

“Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng, ang tawag ba dun broken family o separated? Wala sa plano 'yun e. Wala sa idea 'yun, pero nangyari. So you just have to work on it, live with it, move on,” sabi nito.

Una nang sinabi ni Jackie Lou na isa sa mga gusto niyang baguhin sa kanyang nakaraan ay ang paghihiwalay nila ni Ricky nang sumalang siya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Hunyo.

Ayon sa aktres, “Siguro kung meron akong babaguhin, sana hindi kami naghiwalay ni Ricky (Davao), kung mababago ko siya. Only because I can see how affected my children were, although they are very understanding.”

Dito, sinabi rin ni Jackie Lou na co-parenting sila ni Ricky sa mga anak nilang sina Kenneth, Rikki Mae, at Arabella.-- GMA Integrated News