Nagkaroon ng special appearance at nakisaya sina Michael V. at Manilyn Reynes sa “It’s Showtime” nitong Sabado, kasabay na rin ng pagdiriwang ng kanilang kaibigan na si Ogie Alcasid ng ika-56 kaarawan nito.
Dito sa puso ko!! ???????????? Let's give it up for Ogie Alcasid, Manilyn Reynes, and Michael V!!#ShowtimeOAangSaya
— It's Showtime (@itsShowtimeNa) August 19, 2023
Subscribe, follow and watch us LIVE! https://t.co/6a3FbJJ7pp https://t.co/FA9ip4yRhx pic.twitter.com/MTGCBNKV9a
Sa kanilang performance, bumirit sina Bitoy at Mane ng ilan sa hit songs ni Ogie, kasama ang birthday celebrant.
Kinanta nina Mane at Ogie ang “Pangako,” habang nagduet naman sina Bitoy at Ogie sa kantang “Bakit Ngayon Ka Lang.”
“Iba ka, Kuya Ogie!” hirit ni Vhong Navarro matapos ang performance.
“Oo, napapunta ko 'yung mag-asawang si Pepito at si Elsa!" hirit ni Ogie, na tinutukoy ang mga karakter nina Bitoy at Manilyn sa “Pepito Manaloto.”
“Ang nangyari before, sila magka-loveteam, tapos kami naging magka-loveteam, next time kami na ni Ogie," biro naman ni Michael.
“Why not? Why not?” sabi naman ni Vice Ganda.
Happy Birthday to the King of OPM, Ogie Alcasid! #ShowtimeOAangSayaSubscribe pic.twitter.com/zc05DrYZae
— It's Showtime (@itsShowtimeNa) August 19, 2023
Matatandaang nagkasama na sina Bitoy at Ogie noon sa longest-running gag show na “Bubble Gang,” at bumida pa sa "Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie."
Nagkatrabaho naman sina Manilyn at Ogie sa iba’t ibang pelikula gaya ng "Michael and Madonna." — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News