Natatawa at uminit ang kapakiramdam ni Marvin Agustin nang usisain sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" ang kaniyang love life.

Sa episode ng naturang showbiz talkshow nitong Huwebes, inihayag ng actor-turned-restaurateur na masaya ang puso niya ngayon.

"Masaya ako," sabi ni Marvin na nilagyan pa niya ng mataas na "10" ang rating sa kasiyahan sa kaniyang puso.

Kasunod nito ay direstahan na siyang tinanong ni Tito Boy kung, "Yes or no, are you single?"

Masayang sagot ni Marvin, "I'm not single."

Inihayag din ni Marvin na bukas siyang pag-usapan ang kaniyang love life sa kambal niyang anak kay Tetet Dy, na sina Sebastian at Santiago.

"Nagkukuwentuhan kami about everything so alam nila kailan ako maligayang-maligaya, at kung kelan ako malungkot," saad niya na napahubad pa ng jacket dahil sa mainit na mga tanong ni Tito Boy.

Ilang restaurant na ang pag-aari ni Marvin ngayon, kabilang ang Cochi by Marvin, Secret Kitchen, Kondwi, Mr.VinMunchies, at iba pa.--FRJ, GMA Integrated News