Lumikha ng ingay ang SB19 sa Amerika nang magtanghal sila sa Washington D.C. bilang bahagi ng kanilang Pagtatag! World Tour.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ang performance ng P-Pop group sa Washington D.C. ang huling bahagi ng kanilang US tour, samantalang inabangan sila ng fans mula sa iba’t ibang bansa.

Kinagiliwan ng fans ang kanilang dance moves, lalo na ang “GENTO.”

Susunod na magko-concert ang SB19 sa Canada.

Ang GMA Pinoy TV ang exclusive media sponsor ng 2023 SB19 World Tour. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News