Bukod sa kinaaliwan ng netizens ang kantang "Oh Wow!," na parody ng kantang "Uhaw," hinangaan din nila ang husay ng Kapuso genius na si Michael V.

Maging ang miyembro ng OPM band na Dilaw na umawit ng "Uhaw," saludo sa ginawang parody version ng kanilang hit song na napanood sa "Bubble Gang."

"At napost na nga. Bagong-based hindi-alternative act Hilaw performs "Oh Wow" live on the Waste Bus!," caption ni Michael V nang i-post niya sa Instagram ang video ng kaniyang latest parody song.

Umani naman ng papuri sa comment section ang post ni Michael V o Bitoy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bubble Gang (@bubblegang)

 

"Grabe! Pang gising sa mga nagsulputang creators ngayon. Salute sa Legend sir Bitoy! The audience needs quality content. Maraming salamat!," sabi ni ashriel27.

"Omg puro si bitoy din pala yung iba," komento ni aldrin_pullon na naglagay ng apat na laughing emoji nang mapansin niya ang mga kasama ni Bitoy sa video.

Sa Youtube na naka-post din ang video ng parody song ng Uhaw, sinabi niv@astinn.1777 na "Eye opener to all the Filipino content creator. Bitoy showed how it's done. Isang natatanging yaman ng Pilipinas."

Komento naman ni @fioresingh6762, "Walang kupas ang talino ni Michael V.  Galing!"

Para naman kay @sydp1242, "Ganda ng  message, sa totoo lng! Kudos, Bitoy!" --FRJ, GMA Integrated News