Talaga namang nagpapainit ng ulo ng mga televiewer sa hapon ang kontrabidang si Moira Tanyag sa “Abot-Kamay Na Pangarap.” Ang gumaganap nito na si Pinky Amador, nagbigay kaniyang tips o "Kontrabida 101.”

“Sila ‘yung mga gigil na gigil, galit na galit. Naiintindihan ko dahil nadadala sila sa kuwento. So ‘yung pagkainis nila sa akin, ‘yung pagkagigil nila sa akin, ‘yung pagka-highblood, testamento ‘yun na maganda ‘yung pagkukuwento namin,” sabi ni Pinky sa Unang Hirit.

Bukod kay Moira, dagdag na pang-inis sa viewers ang anak niyang si Dra. Zoey Tanyag, na ginagampanan ni Kazel Kinouchi.

“Wala namang death threats pero there are a lot of bashing online na hindi na lang natin pinapansin,” sabi ni Kazel.

Alamin ang kontrabida tips nina Pinky at Kazel, mula sa tamang pag-irap na kasamang roll ng mata, pagtawa, hanggang sa pagsampal. Panoorin ang video. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News