Aminado ang aktor na si Sef Cadayona na isang pagkakamali ang ginawa niya noon na pagsabayin sa relasyon ang dalawang babae.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, humingi ng paumanhin si Sef sa kaniyang ginawa.

“I have to admit, meron [akong pinagsabay],” ani Sef.

“It was a mistake, [and] I’m very sorry for it,” dagdag ng binata.

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa nagawang pagkakamali, tugon ng Kapuso actor, “to never, ever do it again.”

“Lalo na sa mga lalaki, guys, don’t do it,” paalala niya.

“It’s not nice, and the aftermath, it’s not nice," dagdag pa ni Sef.

Sa ngayon, sinabi ni Sef na mayroon siyang karelasyon na hindi taga-showbiz.

"Feeling ko I'm very fortunate na nakilala ko partner ko," ani Sef. "She has been my rock. Two years na kaming live-in partners."

"It's been very fun," patuloy ni Sef na sinabing nasa corporate ang kaniyang nobya ngayon.

Mapapanood si Sef sa upcoming series na “Love Before Sunrise,” kasama sina Bea Alonzo at Dennis Trillo.

Ang naturang proyekto collaboration ng GMA Network at Viu Philippines. — FRJ, GMA Integrated News