Kasalukuyan nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ''Lolong'' sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.”

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ipinalabas na nitong Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV.

Ang “Dakkila” ay gaya rin ng pangalan ng buwaya o crocodile sa kuwento na si Dakila.

Ang naturang adventure series ay tungkol kay Lolong, karakter ni Ruru Madrid, na nakabuo ng pagkakaibigan sa buwayang si Dakila.

Kasama ni Ruru sa cast sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News