Nagpapatuloy sa kaniyang pagsisikap si Ronnie Liang, na nagbabalik-eskuwelahan para sa kaniyang PhD sa development administration.
“Buhay Estudyante. Continuously embracing the student life as I pursue my Doctor of Philosophy in Development Administration Major in Security Development (Ph.D-D.A),” caption ni Ronnie sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
Matatandaang noong 2022, nagtapos si Ronnie ng Master's degree in management major in national security and administration.
Bago nito, nag-aral din siya at nabigyan ng license sa pagkapiloto. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News