Mahulaan kaya ng "Bubble Gang" babes na sina Valeen Montenegro at Chariz Solomon ang pinapahulaang salita sa "Word of The Rings!" game ng "Eat Bulaga?"

Tulad ng dating palaro na "Pinoy Henyo," may pahuhulaang salita na dapat masagot ng players sa loob ng dalawang minuto sa "Word of The Rings!"

Mayroon din itong elimation (lightweight) at jackpot (championship) round. At may kaukulang premyo ang mapipiling salitang pahuhulaan.

Pero sa halip na oo, hindi, meron, ang dapat sabihin ng magbibigay ng clue ay "tama" at "mali."

Sa naturang episode, si Valeen ang naging tagapagbigay ng clue, at si Chariz ang huhula ng salita.

Masagot kaya nila ang mystery word na wallet? Panoorin ang video.--FRJ, GMA Integrated News