Malaki ang pasasalamat ni Baron Geisler sa kaniyang asawang si Jamie Evangelista, na nagturo sa kaniya ng tough love at disiplina para mapagtagumpayan niya ang kaniyang mga bisyo.

“Kung merong isang leksiyon na naibahagi ang iyong misis na si Jamie sa iyo, ano ‘yun?” tanong ni Tito Boy Abunda kay Baron sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

“Tough love,” sagot ni Baron. “Kasi hindi niya ako tinatratong artista. Kapag nararamdaman niya na, ‘Teka muna, umiiba ang attitude ni Baron, parang papunta na ito sa pag-iinom,’ gigisingin niya ako.”

“Disiplina talaga. Ang laking disiplina ang nakuha ko, natutunan ko sa asawa ko,” pagpapatuloy ng aktor.

Tinanong din si Baron kung “truly happy” siya sa buhay niya ngayon.

“I’m contented, yes,” tugon niya. “From the grace of God because I have a beautiful wife, beautiful kids, I have real friends. My career is blooming again.”

“I don’t deserve all these things, but for some reason bliness ako ulit ng ating Creator,” sabi ni Baron.

Handa raw si Baron na ikuwento ang kaniyang buhay sa sinumang magtatanong tungkol dito.

"I'm a guy who had everything, that lost everything and now is getting better a day at a time trying and doing his best to level up each day. I'm a loving guy."

Inilahad ni Baron ang kaniyang sagot kung nakahanda siya kung sakaling mamaalam siya ngayon sa mundo.

"I was just thinking about that yesterday... It's God’s will naman lahat eh. But if I do die tonight while I sleep, I think I'm ready. I think I'm ready, I'm not afraid to die."

Mensahe ni Baron sa kaniyang sarili: 'I'm proud of you kid. You did well. Maintain and keep it up."—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News