Pumanaw na sa edad na 33 ang Korean singer Choi Sung Bong nitong Martes.
Sa ulat ng Yonhap News Agency, sinabing natagpuan na wala nang buhay sa kaniyang bahay sa Seoul si Choi na dating sumali sa "Korea's Got Talent."
Pinaniniwalaan ng pulisya na suicide incident ang nangyari batay na rin sa naging laman vlog ni Choi sa kaniyang YouTube channel.
Noong 2021, nasangkot ang mang-aawit sa donation scandal nang magkunwari siya na mayroong multiple cancer.
Inamin din ni Choi kinalaunan na hindi totoo ang kaniyang sakit at nangakong ibabalik ang mga natanggap niyang donasyon.
"I sincerely apologize to all who suffered from my foolish mistake," saad niya sa kaniyang vlog.
Sinabi rin ni Choi na nagawa na niyang maibalik ang mga natanggap niyang donasyon.
Naging finalist si Choi sa "Korea's Got Talent" noong 2011. Ilan sa kaniyang mga naging awitin ang "A Thousand Winds," "You Are A Blessing," at "As What I Say."
Kung kailangan ng kausap o may kakilala na kailangan ng makakausap, makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health sa kanilang hotlines: +63917 899-USAP (8727) / +632 79898727; Philippine Suicide Hotline is 896-9191 or 0917-854- 9191; Hopeline: (02) 804-4673; 0917-5584673
—FRJ, GMA Integrated News