Labis ang kasiyahan ni Jayson Gainza sa kaniyang anak na si Ruby na nagtapos na cum laude mula sa University of Santo Tomas.

Sa Instagram, nag-post ang Kapuso actor-host ng mga larawan sa dinaluhang seremonya sa pagtatapos ng kaniyang anak.

Saad ni Jayson sa kaniyang anak, “[love you,] salamat sa regalo mo sa amin ni mama mo.”

"[Sulit] lahat ng pagod[,] puyat at [pagtatiyaga] mo," dagdag niya. "Yan yung susi mo sa bagong yugto ng buhay mo.”

Sa isa pang post, ibinahagi ni Jayson ang video nang samahan niya si Ruby sa stage para tanggapin ang cum laude medal.

 

 

Nagpasalamat si Jayson sa kaniyang “TiktoClock” family na pinayagan siyang dumalo sa graduation ng kaniyang anak.—FRJ, GMA Integrated News