Ibinahagi ni Jackie Lou Blanco kung paano humugot ng lakas ang kaniyang anak na si Rikki Mae para aminin sa kaniya na isa itong lesbian.
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Jackie kung paano niya hinarap ang pag-amin sa kaniya ng anak bilang miyembro ng LGBTQ+ community.
"I had a feeling na kasi,” saad ni Jackie. "I think as parent you wanna 'Baka naman hindi,' pero I had a feeling. So when she came to me she goes 'Mom I have to tell you something,' sabi ko 'Okay.' Tapos feeling ko, 'Oh my, ito na talaga ito, I think this is the day.'"
Patuloy pa ng aktres, "And then dumating na siya, pero siyempre may kasunod na girl. Pero nakatayo siya roon ng 15 minutes na walang sinasabi.”
Inalala ni Jackie kung paano humugot ang kaniyang anak para umamin ito sa pagiging lesbian. At nang umamin, buong puso itong tinanggap ni Jackie.
"Sabi ko 'Rikki Mae, do you want Mama to tell you what I think you would tell me?' Sabi niya 'No mama, I have to do it, let me say it.' 'Okay' Sabi niya 'Mama I'm gay.' Sabi ko 'I know,'" kuwento ni Jackie Lou.
Matapos nito, naging emosyonal na umano ang aktres.
“I think I cried because I didn't have to wonder and I was so thankful that she have the courage to tell me,'" saad niya.
"Because she was saying 'Mama actually I was planning not to tell you na kasi feeling ko alam mo na.' Pero iba daw pala talaga 'pag sinabi mo, so I was very thankful that I knew it," pagpapatuloy niya.
Sinabi ni Jackie Lou na sobra siyang proud sa kaniyang anak, at hinahangaan niya rin ang pagiging responsable nito.
"So responsible, sobra. At sobrang maalaga niya. Parang siya 'yung parent namin ng daddy niya,” anang aktres.
Inilahad naman ni Tito Boy ang kaniyang opinyon tungkol sa usapin ng pagiging miyembro ng LGBTQ+ community.
"Alam niyo po kasi, nakabalot tayo roon sa paniniwala na dadalawa lang, either lalaki or babae and then if you're not a guy or a woman, you are supposed to be less than who you are," saad ng King of Talk.
Ngunit kuwento ni Jackie, sinabi sa kaniya ni Rikki Mae na may mga magulang na hindi natatanggap ang pag-amin ng kanilang mga anak tungkol sa pinipili nilang kasarian, ngunit kalaunan ay nagbabago rin ang kanilang isipan.
"I think for parents that are having difficulty with it, Ricky nga 'Ma for some parents kasi remember, even the first reaction is not a good one, meaning 'Hindi ko alam kung paano kita tatanggapin, or matatanggap kita.' Sabi niya 'It's not naman na permanent reaction. After a while they might be more accepting,'"
"Kasi may ibang 'Hindi ko kayang tanggapin ang anak ko kasi ano eh," saad ni Jackie.
Dahil sa istorya ni Jackie, nagkuwento rin si Tito Boy tungkol sa kaniyang pamangkin na naramdaman na niyang isang lesbian.
“I don’t assume, I know.’ Dinadaan ko na lang sa ‘Ayaw mo bang mag-weekend, you wanna go somewhere with your girlfriend?’ Diretsa ako,” sabi ni Tito Boy.
Ayon kay Tito Boy, alam niya ang nararamdaman ng kaniyang pamangkin, dahil siya mismo ay hindi nagkaroon ng pag-uusap ng kaniyang ina tungkol sa kaniyang kasarian.
“Wala naman kaming coming out moment ng nanay ko,” saad ni Tito Boy. “I lived with Bong (kaniyang partner) all my life. Sobrang mahal at respeto ang ibinigay ng pareho sa isa’t isa.”
“I understand Rikki, especially today. Sa ingay ng mundo natin, there are things that have to be said. Kasi liberating din sa kanila ‘yun eh,” pagpapatuloy ni Tito Boy.
“Just treat us as human beings. We’re no different from anyone. And don’t make us special in a way, don’t disempower, don’t disable us. We are not trapped in anybody’s body. We are like you,” pagtatapos ni Tito Boy. --FRJ, GMA Integrated News