Inihayag ni Mavy Legaspi na in love siya ngayon, at sinabing si Kyline Alcantara ang kahulugan ng pag-ibig para sa kaniya. Si Kyline naman, tinawag ang aktor na, “my protector.”
Sa Fast Talk segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, sumalang si Mavy sa hot seat sa pagsagot niya sa mga katanungan tungkol sa pag-ibig.
“Oo o hindi, in love ka ngayon?” tanong ni Tito Boy kay Mavy.
“In love ako Tito Boy,” tugon ni Mavy.
“My world,” sagot din ni Mavy nang ipalarawan sa kaniya si Kyline.
At nang pabuuin sa kaniya ang pangungusap na “Love is…” sinagot ni Mavy na “Love is Kyline Alcantara.”
Tinanong ang aktor kung gaano siya ka-protective kay Kyline.
"Protective? 10, 20, 30, 40, 50… 100. Mataas talaga,” sabi ni Mavy.
Ngunit sa pagiging istrikto, minarkahan ni Mavy ang sarili na 3 out of 10 lang siya pagdating kay Kyline, dahil hindi siya konserbatibo.
“Sa damit, that's it. Doon ako… I have this agreement with Kyline na she’s free to wear anything she wants. But for example, mini skirt, ganoon, I always remind her na ‘You can wear cycling shorts,’ just in case. Kasi she has instances where she is a very clumsy woman,” paliwanag ng binata.
Sa mismong programa, sinorpresa ni Tito Boy si Mavy nang mag-play ng isang video ni Kyline.
“Protective? 10. Because he’s a protector. He’s his family’s protector, and he’s my protector,” anang Kapuso actress.
“Strict? Maybe 5. Kasi may rules po siya na kailangan ko sundin, but he’s always giving me a choice kung susundin ko o hindi, pero kailangan kong sundin kasi strict. Pero kailangan kong sundin para sa ikabubuti ko naman din,” saad ni Kyline.-- FRJ, GMA Integrated News