Ibinisto ni Bea Alonzo na may isa siyang dating nobyo na sinusubaybayan ang kaniyang timbang halos araw-araw.

Inihayag ito ng Kapuso actress sa isang episode ng vlog ni Mariel Rodriguez, kung saan naglaro si Bea Two Truths and a Lie segment.

“Mayroon akong naging jowa na pinag-we-weighing scale ako almost every day just to check if I was heavier," sabi ni Bea.

Hindi naman tinukoy ni Bea kung sino ang naturang ex-bf niya.

Ibinahagi rin ng aktres na mayroon din siyang ex-bf na hiniwalayan niya sa araw ng kaniyang birthday.

"Hindi ko alam na may surprise pala siya sa akin na malaki, non-showbiz yung guy," ani Bea.

"Hindi ko alam biglang, 'surprise!' tapos kaka-break ko lang sa kanya. Inisip ko kasi makikipag-break ako sa birthday ko tapos hindi siya magagalit sa 'kin kasi birthday ko,” natatawa niyang paliwanag.

Kasalukuyang nobyo ni Bea si Dominic Roque, at kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong August 2021.

Pero nilinaw ni Bea na hindi pa sila engaged ni Dominic matapos silang magpunta sa Amanpulo.— FRJ, GMA Integrated News